Calendar
ASEAN hinimok na makipagtulungan sa India para sa murang gamot
HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makipag-ugnayan sa India upang makakuha ng gamot at bakuna.
Sa kanyang pagharap sa 19th ASEAN-India Summit, sinabi ni Marcos na kasabay ng pagbangon ng Southeast Asia mula sa COVID-19 pandemic ang pangangailangan na tiyakin na mayroong sapat na gamot at bakuna ang mga mamamayan.
“ASEAN friends, let us not miss the opportunity of having the ‘pharmacy of the world’ as our close neighbor and dialogue partner. The high cost of life-saving medicines and vaccines are barriers to a healthy population,” ani Marcos.
“Let us work closely with India in ensuring that our region has access to a sufficient volume of affordable, high-quality medicines and vaccines,” dagdag pa ni Marcos.
Samantala, hinimok din ni Marcos ang India na ipagpatuloy ang suporta nito sa ASEAN Center for Biodiversity upang matugunan ang climate change.
Umaasa umano si Marcos na makakasama ng Pilipinas ang India sa implementasyon ng “ASEAN Multi-sectoral Framework on Climate Change: Agriculture and Forestry contributing to Food Security and Sustainable Development Goals.”