Calendar

ATeacher Partylist: Mga trapo ‘wag iboto
HINIHIKAYAT ng Ateacher partylist ang mga botante na pumili ng tapat at matinong kandidato sa darating na eleksyon at huwag ng iboto pa ang mga “Trapos” o traditional politicians dahil hindi magbabago ang bansa kung patuloy silang nakapuwesto sa gobyerno.
Si Virginia Rodriguez, ang nominee ng Ateacher partylist, ay isang neophyte sa larangan ng politika subalit siya ay isang edukadong tao na may kakayahang ayusin ang maling sistema sa gobyerno at bigyan ng tulong ang mga mamamayan sa pamamagitan ng kanyang experience bilang isang successful businesswoman.
Ilan sa mga programang inilalatag ng ATeacher ay ang pagbibigay ng kabuhayan para sa mga malilit na magbubukid through the creation of livelihood programs, libreng bigas buwan-buwan para sa mga guro, libreng pagkain para sa lahat ng mga pampublikong paaralan at mga senior citizen pag-papagawa ng mga farm to market roads, patubig sa palayan at libreng pag-papagamot at medisina
Kabilang sa mga misyon ng ATeacher ay ang libreng edukasyon hanggang kolehiyo at ang pagtatatag ng mga programang pangkabuhayan para sa mga magsasaka at mga katutubo upang mapabuti ang kanilang kalagayan at umunlad ang ekonomiya ngbansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga modernong kagamitan at pamamaraan sa pagsasaka upang mapabuti ang kanilang ani.
Sa darating na Mayo 12, 2025, ang mga botante ay boboto ng isang bagong hanay ng mga mambabatas sa kongreso, mga kinatawan ng partylist, kasama ang mga gobernador ng lalawigan, mga alkalde ng bayan o lungsod, at mga konsehal.
Ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec), mahigit 60 porsiyento ng 69 million registered voters ay nasa sector ng mahihirap, kung saan nakatutok ang mga maimpluwensya at traditional na politico.
Pinaalalahanan muli ng Ateacher na huwag magpadala sa mga pambobola ng ilang politiko na ilang dekada na sa puwesto ngunit wala namang naitutulong sa mamamayan dahil ang kanilang inuuna ay angkanilang pansariling kapakanan.