Calendar
Ateneo sisimulan ang kampanya sa UAAP four-peat
SISIMULAN ng Ateneo ang kampanya na makuha ang four-peat kontra sa karibal mula sa Katipunan na University of the Philippines sa coronavirus-stalled UAAP men’s basketball tournament sa March 26 sa Mall of Asia Arena.
Magtatagpo ang Blue Eagles at ang Fighting Maroons, na nagharap sa Season 81 Finals noong 2018, sa ikatlo sa mabigat na four-game opening day bill sa alas-4 ng hapon.
Habang nariyan pa rin sa Ateneo si Tab Baldwin, na kasalukuyan ay ang longest-tenured coach ng liga, si Goldwin Monteverde, isang matagumpay na high school mentor, ay sasalang na sa wakas sa kanyang collegiate debut para sa UP.
Magbabalik si Derrick Pumaren, na gumabay sa La Salle sa back-to-back championships noong 1989-90, sa UAAP kontra sa University of the East, na minamandohan na ni Jack Santiago, sa pang-gabi na laro sa alas-7.
Ang iba pang opening day matches ay ang alas-10 ng umaga na salpukan sa pagitan ng rebuilding University of Santo Tomas at Far Eastern University, at ang 1 p.m. pagtatagpo ng National University at Adamson.
Gagawa rin sina Jinino Manansala (Growling Tigers), Jeff Napa (Bulldogs) at Nash Racela (Falcons) ng kanilang coaching debuts sa compressed tournament na tatagal hanggang early May.
Inanunsiyo nitong nakalipas na buwan, hindi pupuwede ang mga fans at cheering squads sa Pasay venue pagkat ilalaro ang UAAP men’s basketball tournament sa isang bubble. Subalit, sinabi ng liga na may posibilidad na magbago ang policy sa kasagsagan ng season.
Ang unang rivalry game ng season sa pagitan ng Blue Eagles at ng Green Archers – sa pagkakataon na ito ay sa isang closed-door setting – ay nakatakda sa alas-7 ng gabi sa April 2.
Lalaruin ang rematch ng Season 82 championship sa pagitan ng Ateneo at UST sa alas-4 ng hapon sa April 9. Winalis ng Eagles ang Tigers tungo sa pagkumpleto ng 16-0 sweep noong 2019.
Isa pang marquee match-up, sa pagitan ng UP at La Salle, ay may alas-10 na umaga na tip-off sa April 7. Nanalo ang Maroons sa huling apat na pagtutuos sa Archers.
Bukod sa basketball tournament, nakalinya rin sa UAAP para sa Season 84 ang cheerdance, men’s beach volleyball, men’s and women’s 3×3 basketball, poomsae at men’s and women’s chess.