Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Atienza

Atienza: Diaz nagbigay pagasa sa nagsusulong ng pantay na trato sa LGBTQIA+

Edd Reyes Jul 30, 2025
206 Views

SINUPORTAHAN ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang inihaing resolusyon na magbibigay parangal sa transgender na si Ms. Anne Patricia Lorenzo-Diaz na kinoronahan bilang Miss International Queen Philippines 2025.

Ayon sa bise alkalde, patunay lamang ito ng kanyang pangako na mapabilang at makapantay sa pag-trato ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kanilang lipunang ginagalawan.

Inihahin ni 2nd District Councilor Numero “Uno”Lim sa Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 8925 bilang pagbati kay Ms. Lorenzo-Diaz na nagdala ng karangalan sa pamamagitan ng kanyang adbokasiya at pagiging kinatawan ng Lungsod ng Maynila.

“This success is not only a personal honor for Miss Lorenzo Diaz but also a testament to the excellence, courage, and skill of every Manileño, especially the LGBTQIA+ community, which continues to show strength and unity,” pahayag ni Konsehal Lim.

Dagdag pa niya, ang pagwawagi ni Ms Diaz ay hindi lamang pagsungkit sa korona, kundi nakapagbigay din siya ng inspirasyon at pag-asa sa mga kabataan at kababayan na nanindigan sa parehas na karapatan at respeto.

Bilang presiding office naman ng 13th City Council, buong puso ang pagsuportang ibinigay ni VM Atienza sa resolusyon na sumasalamin sa progresibong anyo ng lungsod.

Bilang tagapagtaguyod ng LGBTQIA+ muling nanawagan ang bise alkalde na bigyan sila ng patas sa pagtrato, dignidad, at parehas na oportunidad sa lipunan.

“My belief in equality is a reality I have seen and learned from my friends and colleagues in the community,” pahayag ni VM Atienza.

Sabi pa niya, nais niya ay madama ng bawat miyembro ng LGBTQIA+ na madama nila na ligtas at binibigyan sila ng pagpapahalaga sa Lungsod ng Maynila. “It is my mission to ensure that the opportunities available to everyone are the same opportunities available to them,”ani Atienza.