Pic7

Aviation stakeholders nagsama-sama sa CAAP conference

Jun I Legaspi Dec 9, 2025
343 Views

NAG-host ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Approved Maintenance Organization (AMO) Conference noong Biyernes sa Diamond Hotel sa Manila para sa pagtitipon ng mga stakeholders sa aviation.

Bahagi ng pangako ng CAAP na palakasin ang kaligtasan, pagtupad sa regulasyon at pagtaas ng pamantayan sa operasyon sa sektor ng aviation maintenance.

Nagsilbing plataporma ang conference para sa talakayan hinggil sa mga bagong regulasyon, inaasahang resulta sa kaligtasan at roadmap ng CAAP para sa mas pinaigting na surveillance at quality assurance sa sektor ng maintenance.

Sinabi ni CAAP Director General Raul Del Rosario ang mga oportunidad at hamon na dulot ng mabilis na paglago ng industriya ng aviation sa bansa:

“Bilang regulator, airport operator at service provider, ang mandato ng CAAP ay higit pa sa pagsunod at pangangasiwa.

Kailangan nating magbago sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng imprastraktura, mga reporma sa regulasyon, at paglinang ng kultura ng kaligtasan sa bawat aspeto ng operasyon sa aviation,” sabi ni Del Rosario.

Dagdag pa niya, ang patuloy na pagdami ng AMO ay sumasalamin sa tumataas na pangangailangan para sa world-class aircraft maintenance services na mahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mapanatili ang pagiging maaasahan ng operasyon.