Awra Awra

Awra kaya nang pag-usapan kinasangkutang gulo sa bar

Aster A Amoyo May 7, 2024
164 Views

PAGKATAPOS ng kanyang pananahimik, nagsalita na rin si Awra Briguela tungkol sa kinasangkutan niyang gulo noon sa isang bar sa Poblacion, Makati.

Ayon sa 20-year-old actor, kaya na niyang pag-usapan ang nangyari kaguluhan noon. Nangyari ang pagkuwento ni Awra sa vlog ni Vice Ganda na “My SpaghetTEA with Awra”.

Inamin ni Awra na maraming siyang natutunan sa pangyayaring iyon.

“I’m getting better, I’m getting stronger. I owned up to my mistakes. Noong nakulong ako, parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari na sa ‘kin ‘yun.

“Kaya after what happened, kahit nakauwi na ako, lugmok na lugmok ako, umiyak na ako, ‘yun ‘yung time na hindi ko na kaya,” sey ni Awra.

Napansin nga raw ni Vice na malaki na ang pinagbago ni Awra.

“Alam naman nating lahat, ikaw din, na lahat kayo nagkamali. Lahat kayo may sobra at pagkukulang. Inamin mo naman ‘yun,” sey ng It’s Showtime host.

June last year noong makulong si Awra dahil nasangkot ito sa isang bar brawl sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion, Makati City. Na-detain ito sa presinto at nakapagpiyansa the next day.

Moonlight ng SB19 no. 1 sa music charts ng 9 na bansa

SB19

HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.

Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa Youtube sa loob ng dalawang araw.

Sa post ng grupo sa X (dating Twitter), ang collaboration song ng SB19, kasama sina Ian Asher at Terry Zhong ay number one sa music charts sa Pilipipinas, Singapore, Hong Kong, Saudi Arabia, UAE, Indonesia, Cambodia, Bahrain, at Qatar nitong Linggo, May 5.

Umabot din ang kanta sa 10th place sa iTunes sales worldwide noong May 4.

“SLMT ng sobra for swimming, A’TIN!” saad ng SB19 sa post.

Hindi lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19.

Inilabas ng SB19 ang “Moonlight” noong May 3, at kasunod ito ay inilabas din ang music video na si Justin de Dios, miyembro ng grupo, ang nagdirek.

Si Jay Roncesvalles naman ang nasa likod ng choreography ng “Moonlight,” na siya ring may gawa ng viral “GENTO” dance steps.

Matapos ang PAGTATAG! World Tour nila sa Dubai at Japan, magkakaroon ng back-to-back concert ang grupo sa May 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum.

‘Black Rider’ may bagong parangal

NAg-UWI ng panibagong parangal ang full action series na Black Rider.

Hinirang ito bilang Most Development-oriented Drama Program sa 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards.

Nominado rin para sa parehong categorya ang hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Kinikilala sa taunang Gandingan Awards ng UP Community Broadcasters’ Society ng University of the Philippines Los Baños ang mga programa sa telebisyon, radyo, at online na nagpo-promote ng pag-unlad ng mga Pilipino.

Kamakailan lang, nakatanggap rin ang Black Rider ng bronze medal mula sa New York Festivals Tv and Film Awards para sa categoryang Entertainment Program: Drama.

Kaya patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider.