BBM

Ayuda mas gustong ibigay ni PBBM kesa tax exemption

202 Views

MAS pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng tax exemption ang mga poll workers kesa gawing exempted sa buwis ang honoraria na tinatanggap ng mga ito.

Ayon kay Marcos hindi totoo na kinalimutan nito ang mga guro sa pampublikong paaralan ng kanyang i-veto ang panukala na nagbibigay ng exemption sa election honoraria.

“Ngayon, hindi ibig sabihin nito na kinalimutan natin ‘yung ating mga election workers. Mayroon — babalikan natin sila pagka nagka-eleksyon, eh ‘di titingnan natin sino ba talaga ang nagtrabaho? Ilang oras sila, ilang araw sila nagtrabaho dito? Ano ‘yung kanilang position? Sila‘yung nag-aano doon sa mga makina? Whatever it is,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na nais nitong bisitahin ang mga ginagawa ng guro kapag halalan gayundin ang haba ng kanilang pagtatrabaho kapag araw ng halalan.

Hindi na rin kakailanganin ng bagong batas para mabigyan ng ayuda ang mga guro dahil mayroon ng sistema ng pagbibigay nito.

Sa pag-veto sa panukalang tax exemption, sinabi ni Marcos na taliwas ito sa layunin ng Comprehensive Tax Reform Program ng gobyerno na ginawa upang maitama ang tax system ng bansa.

Sa pagbibigay umano ng tax exemption ay makikinabang maging ang mga indibidwal na hindi naman kailangang bigyan ng tax subsidy.

“As a matter of principle, ang sinasabi ko hindi kasi pagka gumawa ka ng tax subsidy, hindi mo alam kung sino ang makakakuha dahil kahit ‘yung hindi nangangailangan nakakakuha ng subsidy. Hindi naman dapat sila bigyan,” sabi pa ng Pangulong Marcos.