Sister Mascarinas naghatid ng tulong sa Sisters of Mary Boystown and Girlstown sa Silang, Cavite.

Ayuda ng Chooks tuloy lang

Robert Andaya May 21, 2023
253 Views

BAGO pa ang FIBA 3×3 World Tour Manila Masters sa Glorietta Activity Center sa Makati, ipinakita muli ng Chooks- to-Go ang walang sawang pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

Nagbigay si Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas, na itinuturing na godfather ng Philippine 3×3, ng hakagang P2.8 million bilang yearly financial support sa Sisters of Mary Boystown and Girlstown in Silang, Cavite.

Bukod dito, nagtakda din si Mascariñas ng monthly Chooks-to-Go oven-roasted feast, at nagbigay ng 50 basketballs para sa mga kabataan.

“In all our undertakings, we are driven by a profound purpose— that of bridging the gaps that divide our society. Our commitment extends far beyond mere assistance and entertainment, for we believe that our collective actions have the power to shape a brighter future for our fellow Filipinos,” pahayag ni Mascariñas.

“We strive to ignite hope and inspire our kababayans to realize their potential as agents of positive change. We view our position as a privilege, and it is through our endeavors that we humbly contribute to the advancement and unity of our beloved nation,” paliwanag pa ni Mascariñas

Nakasama niya sa pagtitipon sina Manila Chooks players Mac Tallo, Paul Desiderio, Brandon Ramirez, Dennis Santos, Cj Payawal, at head trainer Chico Lanete, gayundin ang sikat na singer na si Chloe.