Metrobank Metrobank Foundation Inc. President Ancieto Sobrepeña

Ayuda ng Metrobank Foundation sa biktima ng bagyo aabot ng P10M

Chona Yu Oct 28, 2024
84 Views

AABOT sa P10 milyong donasyon ang ibinigay na donasyon ng Metrobank Foundation kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay para ipang-ayuda sa mga biktima ng bagyong Krsitine.

Ayon kay Metrobank Foundation Inc. President Ancieto Sobrepeña, tugon ito sa panawagan ni Pangulong Marcos sa pribadong sektor na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Ibinigay ng Metrobank ang donasyon sa 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ceremony na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Sobrepeña, nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa Presidential Management Staff upang agad na maipadala ang tulong sa mga apektadong komunidad na matinding nasalanta sa tamang channel para sa epektibong paghahatid ng serbisyo.

Sa pinakahuling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa mahigit 100 katao na ang nasawi sa bagyo.

Nasa 39 katao ang nawawala habang nasa 109 katao ang nasugatan.

Nasa 6.7 milyon katao o 1.6 milyong pamilya mula sa 10,147 barangays sa buong bansa ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 980,355 indibidwal naman ang nanatili sa 6,286 evacuation centers.