Valeriano

Ayuda ng Office of the Speaker sa mga biktima ng pagbaha sa Davao City pinagbunyi ni Valeriano

Mar Rodriguez Jan 22, 2024
165 Views

Valeriano1Valeriano2PINAPURIHAN ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez bunsod ng agarang pagpapalabas nito ng P35 milyon halaga ng ayuda para sa mga naging biktima ng pagbaha at pagguho sa Davao City.

Ayon kay Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, malaking tulong para sa mga taga-Davao City ang ipinamahaging financial assistance nina Speaker Romualdez at President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na nakhahalaga ng P35 million.

Sinabi ni Valeriano na naiparamdam nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos, Jr. ang pagmamalasakit ng pamahalaan para sa mga mamamayan lalo na para sa mga nangangailangan.

Sapagkat bukod sa financial assistance, namahagi din sila ng 17,500 food packs para sa mga taga Davao City.

“Dito natin makikita na ang pamahalaan ay totoong kumikilos para pagsilbihan ang kapakanan ng mamamayan lalo na para sa mga nangangailangan. Naiparamdam talaga nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos, Jr. ang presensiya ng pamahalaan sa mga panahong nasasadlak ang mamamayan,” sabi ni Valeriano.

Ipinaliwanag din ni Valeriano na naiparamdam din ni Speaker Romualdez sa mga mamamayan ng Davao City ang pagmamalasakit ng Kamara de Representantes dahil agarang tinugon nito ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng mga ayuda at financial assistance.

Kasabay nito, bilang tinaguriang “action man ng Tondo”. Ipinakita din ni Valeriano ang kaniyang pagmamalasakit at pagmamahal para sa kaniyang mga ka-Distrito matapos itong magpa-abot ng tulong para naman sa mga mahihirap na residente ng Barangay 262 at Barangay 250 sa Tondo, Manila.

Sinabi ng kongresista na maraming residente ng Tondo ang lumalapit sa kaniya para humingi ng tulong dahil sa pagiging bukas nito para sa mga nangangailangan partikular na para sa mga Kabataan. Kung saan, nakahilera ang kaniyang mga proyekto para sa Kabataan sa pamamagitan ng Sports program.