Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Source: DA file photo
Nation
Ayuda ni PBBM sa magsasaka, mangingisda sa CAR aabot ng P771M
Chona Yu
Jul 20, 2024
366
Views
AABOT sa P771.300 milyong ayuda ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Nino sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi pababayaan ng administrasyon ang sektor ng pagsasaka.
Nasa tig P50 milyon ang ibinigay ni Pangulong Marcos sa provincial governments ng Apayao, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.
Nagbigay din si Pangulong Marcos ng P34.52 milyon sa provincial government ng Abra at P29.74 milyon sa Benguet.
Namahagi naman ang tanggapan ni Speaker Martin Romualdez ng tig-5 kilong bigas.
Nasa P1.24 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira sa CAR.

