DMW

Ayuda sa OFWs, pamilya nila sa ilalim ng AKSYON Fund itinaas NG DMW

Jun I Legaspi Aug 14, 2024
38 Views

ITINAAS ng Department of Migrant Workers (DMW) ang halaga ng financial assistance sa mga distressed OFWs at miyembro ng kanilang pamilya sa ilalim ng AKSYON Fund.

Ang DMW AKSYON Fund o Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga OFWs at kanilang pamilya sa distressful situations.

Kasama rin ang mga apektado ng economic downturn, natural disasters or human-induced emergencies, human-trafficking, at iba pang ill-fated situations.

Maaari ring gamitin ang pondo sa legal, medical, financial at iba pang uri ng tulong sa OFWs, kabilang ang repatriation, pag-uwi ng labi ng mga namatay na OFW, evacuation, rescue at iba pang tulong upang protektahan ang karapatan ng mga Pinoy.