Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
2 magkaibigan tiklo sa pagnanakaw
Jul 10, 2026
Calendar
Ang banggaan ng tatlong sasakyan sa highway ng Brgy. San Antonio Pila, Laguna.
Provincial
Babae utas sa salpukan ng 3 sasakyan
Gil Aman
Oct 19, 2024
514
Views
PATAY ang babae na nakamotorsiklo ng tumilapon sa banggaan ng mga sasakyan noong Biyernes sa highway sakop ng Brgy. San Antonio, Pila, Laguna.
Dead-on-arrival sa Laguna Medical Center ang biktima na si Amelia Prado, collector ng Rushwine Credit Corp., at residente ng Brgy. Masilo, Calamba City, Laguna.
Namatay ang biktima dahil sa tumilapon at nabagok ang ulo sa highway.
Naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi ng tatlong sasakyan ang nagbangaan na kinabibilangan ng Honda BR-V DIC 1565 at Izusu Jitney DXD 898.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa Victoria, Laguna ang mga sasakyan nang maganap ang aksidente.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

