Calendar
Babaeng Kyrgystani inaresto, idedeport ng BI dahil sa overstaying
INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Kyrgystani na babae at ipinadedeport na dahil sa pagiging overstaying at pagkakasangkot umano sa iligal na droga.
Sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nasakote ng mga tauhan ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang alien na si Anara Ruslanova, 29, sa residential village sa Makati City nitong July 23 sa bisa ng mission order.
Si Ruslanova ay iniuugnay sa mga miyembro ng West African syndicate na inaresto sa isang bar sa Makati noong June 20, 2022.
Sa tala, ang Kyrgystani woman ay dumating sa bansa nitong Oct. 4, 2018 at hindi pa umaalis ng bansa simula noon.
Hindi rin siya nag-apply ng anumang uri ng visa para sa kanyang pananatili.
Pinuri naman ni Tansingco ang pag-aresto sa dayuhan na nananatili ngayon sa deportation facility habang isinasaayos ang pagpapaalis sa kanya sa bansa.