Calendar
Provincial
Babaeng opisyal ng BFAR 11 patay sa ambush
Zaida Delos Reyes
Dec 9, 2024
398
Views
PATAY ang babeng opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Region II matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect nitong Sabado ng umaga sa Davao del Norte.
Nakilala ang biktima na si Karen Diana Candilosas, 42-anyos, residente ng Barangay Dapco, Panabo City.
Si Candilosas ay nakatalaga sa BFAR national Mariculture Center, Panabo City, Davao del Norte.
Batay sa ulat ng PNP, nakaupo ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Purok Marang, Barangay Cagangahon nang lapitan ito ng dalawang lalaki at pinagbabaril.
Dead on the spot ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspects.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026

