BI Source: BI

Babala ng BI: Scam hubs nagpapanggap na call centers, nagre-recruit ng Pinoy

Jun I Legaspi Feb 19, 2025
24 Views

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga scam hubs sa ibayong dagat na nagpapanggap na online gambling o call centers na nagrerecruit ng mga Pinoy sa pamamagitan ng social media.

Inilabas ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang warning makaraang ireport ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng pagkakaharang sa limang biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Patungo ang mga biktima sa Cambodia para pumasok sa isang scam hub.

Batay sa ulat unang nagsabi ang mga biktima na turista sila patungong Hong Kong sasakay ng Cebu Pacific flight at NAIA Terminal 3.

Nagtatrabaho umano sila sa restaurants o establishments sa bansa at pumasok sa immigration area sa dalawang hiwalay na grupp na nagpapanggap na hindi magkakakilala.

Subalit nagduda ang mga BI officials sa kanilang mga sagot kaya’t isinalang sila sa inspeksyon.

Sa secondary interview, inamin nila na mula Hong Kong ay lilipad sila patungong Cambodia para pumasok sa business process outsourcing (BPO) company.

Isa pa sa mga biktima ang umamin na hindi alam na nirerecruit scam hubs at wala silang ideya sa cryptocurrency.

Inamin din nila na inalok sila ng P30,000 hanggang P50,000 na monthly salary, na may free board and lodging.

Ayon kau BI Commissioner Joel Anthony Viado, dapat mag ingat ang publiko sa mga ganitong uri ng job offers.

“We urge Filipinos to thoroughly verify overseas job offers, especially those that promise unusually high salaries. Many of these so-called customer service roles are actually covers for large-scale scam networks that take advantage of unsuspecting workers,” saad ni Viado.