Laudiangco

Back up files na ginamit sa May 9, 2022 elections binura na

206 Views

BINURA na ng Commission on Elections (Comelec) ang back up files na ginamit sa May 9, 2022 elections.

Ang pagbubura ng back up files na kinabibilangan ng serialized ballots, SQL dump files, listahan ng kandidato at mga reference materials ay ginawa sa warehouse ng Comelec sa Sta. Rosa Laguna.

Naroon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang political party at citizens’ arm groups.

Sinabi ni Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco na mananatili naman ang mga data sa server na maaaring gamitin sakaling mayroong maghain ng protesta sa naging resulta ng halalan.

Noong nakaraang buwan ay isinara na ang Comelec ang tatlong automated elections system (AES) servers at ang network infrastructure na ginamit sa katatapos na halalan.