Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar
Metro
Backrider sugatan matapos tumama sa pinto ng UV Express
Jon-jon Reyes
Oct 22, 2024
179
Views
SUGATAN ang babaeng backrider ng tumama sa pinto ng UV Express sa Nicanor Reyes St. sa harap ng Far Eastern University (FEU) Sampaloc, Manila noong Lunes.
Nahaharap sa kaso ang driver na si Delfin Salazar dahil sa pagsalpok ng biktimang si Kaziel ng Makati City sa pinto ng sasakyan nang biglang buksan ng pasahero.
Base sa ulat nina Police Staff Sergeant Erick Orio at Police Corporal Michael Franco ng Manila District, bandang alas-9:00 ng umaga nang maganap ang aksidente.
Nakahinto umano ang sasakyan ni Salazar ng biglang binuksan ang pinto ng isang pasahero sa kanang bahagi kaya nabangga ang paparating na motorsiklo.
Dahil dito nabundol ang backrider na si Kaziel na nagtamo ng pinsala sa katawan.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025