Calendar

Bading chinop-chop, nakitang nabubulok sa loob ng isang bahay
NADISKUBRE ang pinagputol-putol na katawan ng isang bading sa loob ng isang bahay Biyernes ng umaga sa Caloocan City.
Nadiskubre lamang ang nabubulok ng chop-chop na katawan ng biktimang itinago sa alyas “Shalani”, nasa hustong gulang, matapos umalingasaw ang masangsang na amoy na nagmumula sa isang bahay sa Barangay 176 Bagong Silang, North Caloocan kung saan natagpuan ang pinagputol-putol na katawan ng biktima.
Inilagay pa sa isang cooler ang mga pinagputol-putol na paa ng biktima habang wala namang inilagay sa ulat kung nagkalat sa loob ng bahay ang iba pang parte ng katawan.
Pinaghahanap na ng pulisya ang may-ari ng bahay na pinangyarihan ng karima-rimarim na krimen na umano’y limang araw ng hindi umuuwi.
Siya ngayon ang itinuturing na “person of interest” ng pulisya habang patuloy na nagsaagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang motibo ng sa nangyaring krimen.