Calendar
Bagito nag-dyowa ng accla para magka-project
ISANG newbie hunk actor ang lumapit sa isang production staff ng reality show na pinagmulan niya. Gusto kasi niyang sumikat bilang artist, eh, wala pa naman siyang koneksyon sa showbiz.
Palibhasa guwaping ang newbie kaya naakit ang acclang staff na kilala rin naman sa movies at TV.
Pero may kundisyon ang accla sa baguhan. Dapat daw, eh, maging dyowa muna niya ito. Pikit mata siyang pumayag sa kundisyon basta bigyan agad siya ng project.
Dahil pursugido ang baguhan, may nakilala siyang personalidad sa showbiz na sikat, mayaman at maimpluwensiya.
Naging close sila ng acclang personalidad. Tinulungan nito ang baguhan at nabigyan ng project. Eh, happy si personalidad sa dyowa niya kaya walang malisya ang tulong niya.
Nang magkita si newbie at ang taong una niyang hiningan ng tulong, sinabi niyang may project na siya. Tinulungan siya ng kilalang acclang personalidad.
Tumaas ang kilay ng acclang una niyang nilapitan, huh! Palibhasa walang laban sa kunek at impluwensiya ng sikat na accla, sinabihan niya si newbie na huwag na siyang instorbohin at sa sikat na accla na lang siya magpatulong!
Ai-Ai unti-unting nilalabas dahilan ng hiwalayan nila ni Gerald
UNTI-UNTI nang lumalabas ang dahilan ng hiwalayang Ai-Ai de las Alas at asawang Gerald Sibayan.
Base sa posts ni Ai-Ai, cheating ang main reason dahil tila may nagpapadala sa kanya kung saan nakikita si Gerald at ang diumano’y babae nito, hu!
Ayon kay Ai, Pinay ang babae na very clingy sa messages sa Comedy Queen sa iba’t ibang lugar sa States.
Wait natin kung may dagdag pa si Ai-Ai sa mga moments of umano’y cheating ng dating asawa, huh!