Bacarro

Bagong hepe ng AFP, PNP, NBI itinalaga ni PBBM

160 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang mga bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na si Lieutenant General Bartolome Vicente O. Bacarro ang itinalagang AFP chief of staff; si Police Lieutenant General Rodolfo Azurin, Jr. ang bagong hepe ng PNP, at si Medardo de Lemos naman an mamumuno sa NBI.

Ayon kay Cruz-Angeles ang change-of-command sa AFP ay nakatakda sa Agosto 8 upang matapos nito ang mga dapat pang gawin sa iiwanang Southern Luzon Command.

Si Bacarro ang unang AFP chief na magkakaroon ng fixed na tatlong taong termino alinsunod sa batas na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal” Class of 1988.

Samantala, si Azurin naman ay miyembro ng PMA “Makatao” Class of 1989.

Nagpahayag naman ng suporta kay Azurin ang PNP.

Si De Lemos naman ay mahigit 30 taon ng nagseserbisyo sa NBI at ang pinaka-senior na opisyal ng ahensya.