Calendar

Bagong hepe ng NE umupo na
CABANATUAN CITY–Ginanap ang change of command sa lalawigang ito sa pagitan ni outgoing provincial police chief Col. Ferdinand Germino at incoming acting provincial director Col. Heryl Bruno.
Bumaba sa tungkulin si Germino bilang hepe ng Nueva Ecija police ng siyam na buwan at 20 araw.
Si Bruno, ang dating provincial police commander ng La Union, hindi estranghero sa Nueva Ecija sapagkat naitalaga bilang police chief ng San Jose City at Talavera.
Pinuri ni Police Regional Office (PRO)-3 chief Ponce Peñones si Germino sa kanyang mga nagawa.
“Paano natin isu-sustain ang trust and confidence ng tao. Kahit anong gawing kabutihan kahit gaano kalaki ang accomplishment ng ating mga pulis sa Central Luzon kapag mayroon isang pulis na na involve sa hindi maganda,” paliwanag ni Peñones.
Inutusan din ng heneral ang kanyang mga tauhan na laging obserbahan ang mga pangunahing kaalaman sa pag-iwas sa krimen at solusyon sa krimen.