WPS

Bagong kaganapan sa WPS ikinagulat ng NTF-WPS

Chona Yu Aug 19, 2024
27 Views

AMINADO ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na naguguluhan sila, nagulat at nabahala sa nangyayari na naman sa West Philippine Sea.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na inakala nilang goodwill na ang naunang preliminary understanding sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Malaya, dahil mayroon nang unawaan sa Ayungin, ipinagpalagay ng task force na wala na ring magiging insidente sa ibang parte ng WPS.

Sabi ng opisyal, maaaaring inakala ng China na papunta ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño sa Teresa Magbanua para mag-resupply pero hindi naman talaga.

Patungo anya ang mga barko ng Philippine Coast Guard sa Patag at Lawak islands.

Ang pananatili ng Teresa Magbanua sa Escoda Shoal ang ipino-protesta ng China.