MAGSASAKA Partylist Cong. Robert Gerald Nazal during his oath-taking and courtesy call in House Speaker Martin Romualdez.

Bagong mambabatas nanindigan na siya ang kinatawan ng MAGSASAKA

Mar Rodriguez Oct 13, 2022
204 Views

Magsasaka partylist

NANININDIGAN ngayon ang bagong kongresista ng Magsasaka sa Sakahan, Kaunlaran (MAGSASAKA) Partylist na siya ang lehitimo at iprinoklamang kinatawan alinsunod mismo sa direktiba at ruling ng Commission on Elections (COMELEC).

Ipinaliwanag ni MAGSASAKA Partylist Cong. Robert Gerald Nazal, Jr. na alinsunod sa pinag-uutos ng COMELEC, iprinoklama aniya ang kanilang grupo bilang isa sa 55 Partylist Group na lumahok at nagwagi sa nakalipas na 2022 National at Local elections.

Binigyang diin pa ni Nazal na nakakuha din ang MAGSASAKA Partylist ng 272,737 boto. Kung saan, idineklara ng COMELEC na mayroon silang isang puwesto o upuan sa Kamara de Representantes para katawanin ang kanilang grupo sa ilalim ng 19th Congress.

Sinabi pa ni Nazal na halos inabot din ng apat na buwan bago inilabas ng COMELEC ang pinal nitong desisyon kaugnay sa sigalot na nangyayari sa pagitan ng dalawang paksiyon sa loob ng MAGSASAKA.