Calendar
Bagong ruta ng barko sa Pola may tumatakbo na
POLA, OrMin–Simula na noong Sabado ang biyahe ng Island Water, ang bagong shipping firm sa lalawigan, sa rutang Batangas-Pola at vice versa sa Port of Pola sa Brgy. Tanguihan.
Dumalo si Mayor Ina Alegre Cruz sa programa katuwang si Gov. Bonz Dolor, asawang si Hiyas Govinda Ramos at Vice Mayor Dodjie Panganiban.
Malaking tulong ang bagong ruta upang mapabilis ang biyahe at pagdadala ng mga produkto mula sa Mindoro patungong Batangas at iba pang karatig lugar.
Dumalo rin sa programa ang mga opisyal ng Sangguniang Bayan, barangay captains, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard at Department of Transportation.
Ang pamasahe mula Batangas papuntang Pola at vice versa ay nagkakahalaga ng P1,000.
Makatutulong ang nasabing ruta sa pagpapalakas ng kalakalan, turismo at kabuhayan ng mga mamamayan sa Pola at sa iba pang lugar sa lalawigan.

