Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun

Bagsak rating ni VP Sara konektado sa di pagsagot sa ginastos na confi funds – Young Guns

34 Views
La Union 1st District Rep. Paolo Ortega
La Union 1st District Rep. Paolo Ortega

NANINIWALA ang mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes na konektado ang pagbulusok ng survey rating ni Vice President Sara Duterte sa pagtanggi nito na sagutin ng deretso ang mga tanong kaugnay ng paggastos nito sa daan-daang milyong confidential funds.

Sinabi nina House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun ng Zambales at Paolo Ortega ng La Union, naghahanap ng kasagutan at pananagutan ang publiko kaugnay ng kinukuwestyong confidential fund sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

“Vice President Duterte’s dropping trust ratings signal a critical problem in the way people see her,” paglalahad ni Khonghun. “When a public official faces controversies that go unexplained, people find it hard to trust them. If these issues aren’t addressed, it could seriously damage her credibility over the long term,” dagdag ng mambabatas.

Batay sa pinakahuling OCTA Research survey, nagkaroon ng anim na puntos na pagbaba sa trust rating ni Duterte na naitala sa 59 porsyento, at walong puntos naman sa kanyang performance rating, na bumulusok sa 52 porsyento mula sa dating 87 porsyento noong nakaraang taon.

Ayon kay Khonghun, mahalaga na malinawan ang umano’y P15 milyong confidential funds ng DepEd na pinalabas umanong ginastos sa Youth Leadership Summit kahit na hindi, at ang P16 milyong ginastos ng OVP sa renta at mga kaugnay na gastusan sa safe house sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.

“If these controversies aren’t clarified, how can she expect people’s trust in the future? Trust is earned through transparency and accountability, qualities that should be part of every public servant,” ani Khonghun.

Sinabi naman ni Ortega na ang pagbaba ng rating ni Duterte ay indikasyon ng bumababang tiwala ng publiko sa mga opisyal na walang pananagutan.

“From a high of 87 percent in March 2023 to 59 percent today, that’s a big drop,” saad ni Ortega. “People want leaders they can trust. To keep the public’s confidence, leaders need to be open and transparent.”

Sabi pa ni Ortega na ang pag-iwas sa kontrobersiya ay makasisira sa kredibilidad ni Duterte lalo na kung nais pa niyang manatili sa serbisyo publiko. “Silence is not an option, especially when the public is watching closely,” sabi pa nito.

Kapwa naniniwala ang dalawang mambabatas na ang pagbalewala sa usaping ito ay nagbababa sa pamantayan ng pananagutan sa pamahalaan.

“The duty to address issues that may hurt people’s trust should be a priority. If VP Duterte keeps avoiding these controversies, it sets a worrying example for accountability in government,” sabi ni Khonghun.

“A true leader does not hide behind controversy. She should show the public that she has nothing to hide and is willing to address these issues openly,” dagdag ni Ortega.

Sa pinakahuling pagdinig ng House committee on good government and public accountability, itinanggi nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio na tumanggap sila ng P15 milyong pondo mula sa confidential fund ng DepEd.

Ginamit ni Duterte ang inilabas na sertipikasyon ng mga opisyal ng military na nagsagawa ng Youth Leadership Summits, isang regular na anti-insurgency program sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2023. Pero ayon sa mga opisyal, wala silang natanggap na pondo mula sa DepEd.

Nabigla rin ang mga mambabatas na gumastos ang OVP ng P16 milyon mula sa confidential funds para rentahan ang 34 safe houses sa loob ng 11 araw noong huling quarter ng 2022.

Batay sa mga isinumiteng dokumento, mayroong safe house na binayaran ng halos P91 milyon kada araw, mas mahal pa sa renta sa mga high-end resorts gaya ng Shangri-La Boracay.

Pinuna ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng komite, kung ang mga safe house na ito ay magagarang property dahil ang renta sa Bonifacio Global City ay kadalasan aniyang nagkakahalaga ng P90,000 kada buwan, higit na mas mababa sa arawang renta na halos P91,000 ng OVP.

Sa huli, binigyang diin nina Khonghun at Ortega ang importansya ng transparency, lalo at bilang lingkod publiko, kailangan maging bukas at hayag ang mga lider sa publiko lalo na kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan.