Fernandez and Magbojos Fernandez (kaliwa) at Magbojos: Tig limang archery gold medals sa Batang Pinoy. PSC photos

Baguio City, Sta. Rosa archers nagbida sa Batang Pinoy

Robert Andaya Dec 20, 2022
540 Views

BANTAY, Ilocos Sur – Nagpakitang gilas ang mga talentadong archers mula Baguio City at Sta. Rosa City sa 2022 Batang Pinoy nagional Chsmpionships sa San Ildefonso Central School.

Humakot ng tig-limang gold medals sina Jathniel Caleb Fernandez ng Baguio City at Adrianna Jessie Magbojos ng Sta. Rosa sa archery competitions na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikioagtukungan ng Ilocos Sur government.

Nasungkit ni Fernandez, naGrade 3 student sa Pines Family Learning Center ang mga ginto sa 10m (304) 15m (243), 20m (260), 30m (257) at kabuuang1440.

Asam pa ng nine-year-old Batang Pinoy first timer na si Fernandez na masikwat ang kanyang ika–anim na gold medal sa susunod niyang event na Olympic round

“Pursigido talaga siyang manalo, pinaghandaan niya itong Batang Pinoy,” pahayag ni Randy Fernandez,na ama na ni Caleb.

Sa girls division, nakopo naman ni Magbojos ang medalyang ginto sa 10m, 15m, 20m, 30m at 1440 event.

Sa cycling, namayani muli.si Maritanya Krog sa girls 13 and below Individual Time Trial (ITT) na ginanap sa Provincial Capitol, Diversion Road.

Nagtala si Krog ang 12 minuto at 39 segundo para makuha ang.anyang ika-dalawang gold medal sa cycling.

Sina Jhanah Abella ng Calapan at Maria Louisse Alejado ng Iloilo ang nag-uwi ng silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.

Sa athletics, nadomina ni Romanito Maravilla ang 110m hurdles sa oras na 15.17 seconds at 200m hurdles sa oras na 23.18.

“Ang goal ko ay mag compete sa SEA Games at international na malalaki,” pahayag ni Maravilla.

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Rafael Guinto ng Olongapo sa boys’ 5000m (17:27.2) at Marjorie Ragudos ng Pangasinan sagirls’ high jump (1.30m).

Ang nasabing edition ng Buatang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Interior and Local Government Unit (DILG) at Department of

Education (DepED) kasama ang MILO Philippines, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm.