Pagasa

Bagyo papasok sa susunod na linggo

200 Views

ISANG bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posible pumasok ng PAR sa Huwebes.

Bibigyan ito ng lokal na pangalang Josie.

Dahil nasa labas pa ng PAR ay inaasahan na lalakas ang bagyo habang papalapit sa bansa.

Maliit umano ang tyansa nito na mag-land fall subalit magdadala ito ng mga pag-ulan at maalong karagatan.