PAR

Bagyo sa labas ng PAR, binabantayan

260 Views

Namataan ang Tropical Depression “Nuri” sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) alas-2:00 ng hapon ngayong Marso 12, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong humigit-kumulang 1,415 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h at pagbugsong hanggang 55 km/h, habang mabagal na kumikilos pa-hilagang-silangan.

Sa ngayon, nananatili itong nasa labas ng PAR at patuloy pang mino-monitor ng mga weather specialist.

Pinapayuhan ng ahensya ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather bulletin sakaling magkaroon ng pagbabago sa galaw o lakas ng bagyo.