PAGASA

Bagyong Karding lumakas

242 Views

UMAKYAT na sa kategoryang tropical storm ang bagyong Karding.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) inaasahan ang lalo pang paglakas ng bagyong Karding habang ito ay nasa Philippine Sea.

Kung hindi magbabago ng direksyon ay inaasahan na magla-landfall ang bagyo sa hilagang bahagi ng Luzon.

“The highest possible wind signal that may be hoisted is TCWS #3. Localities situated in the eastern portions of Northern and Central Luzon may be placed under TCWS #1 as early as Friday evening or Saturday early morning,” sabi ng PAGASA.

Ang bagyo ay namataan sa layong 1,320 kilometro sa silangan ng Northern Luzon. Mayroon itong hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis pagbugso na hanggang 80 kilometro bawat oras.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng magkaroon ng landslide at flashflood sa mga mabababang lugar.