PAGASA

Bagyong Paeng posibleng mag-landfall sa Linggo

200 Views

Posibleng sa araw ng Linggo mag-landfall ang bagyong Paeng sa silangang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) patuloy ang paglapit ng bagyo sa kalupaan at bahagyang lumakas habang binabaybay ang Philippine Sea.

Sa Sabado, inaasahang daraan ang bagyo malapit sa Catanduanes.

Sa Linggo ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Aurora o Quezon.

Hindi pa rin umano inaalis ang posibilidad na bumaba ang direksyon ng bagyo at mag-landfall sa Bicol region.

Inaasahan na aakyat sa typhoon category ang bagyo sa Sabado.