Execution Naging maagap ang mga kapulisan at ilang mga security guard ng Club House sa Multinational Village sa Parañaque at pumaginta matapos magkaroon ng ng bahagyang tensiyon mula sa dalawang grupo. Kuha ni JONJON C. REYES

Bahagyang tensyon sa paghahain ng writ of execution sa Parañaque

Jon-jon Reyes Feb 5, 2025
15 Views

NAGKAROON bahagyang tensyon ang Homeowners Association (HOA) sa pagitan ng kampo ni Julio Templonuevo at Arnel Gacutan na kasalukuyang Pangulo matapos na ihain ni Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) Sheriff Roland Gabayan ang writ of execution na inilabas laban sa grupo ni Gacutan Lunes ng umaga,.

Ang naturang Writ of Execution ay naglalaman na inuutusan ang kasalukuyang board na payagang buksan ang libro ng asosasyon.

Ttinukoy din ang pagsasapinal ng perpetual disqualification laban sa ilang board member kabilang na si Gacutan.

Ang tensyon ay naganap matapos hindi payagan ng mga security guard na makapasok ng clubhouse ang mga residente at kasamahan ni Templonuevo sa paghahain ng writ of execution ng sheriff.

Depensa ng kampo ni Gacutan ay mayroon pa silang 15 araw para sagutin ang nilalaman writ of execution.

Naniniwala ang mga residente na mayroon silang karapatang pumasok sa clubhouse bilang mga owner din. Sinabi nilang Court of Appeals lamang ang puwedeng kumuwestyun sa naging desisyun ng HSAC.

Ang head of security at isang nagpakilalang abugado ang humarap sa sheriff.

Bukod sa grupo ni Templonuevo ay kasama din nitong sumugod sa clubhouse ang ilang mga madre at senior residents na residente din doon.

Kaugnay nito nagbabalak na magsagawa ng isang prayer rally ang mga madre at residente sa loob ng labing limang araw.

Nanawagan din si Director Alex Tan sa pamahalaan ng Paranaque na kumilos na at umaksyon ng patas para sa ikakatahimik ng kanilang lugar at asosasyon.