Calendar
Bakit tinatambakan ni BBM si Leni at Isko?
BATAY sa pinakahuling Pulse Asia survey noong Enero 19-24, humakot si Bongbong Marcos ng 60% kumpara sa 16% ni Leni Robredo at 8% ni Isko Moreno. Ayon naman sa pinakahuling SWS survey na ginanap noong Enero 28-31, nanguna si Marcos na mayroong 50%, sumunod si Robredo na mayroong 19%, habang si Moreno ay mayroon lamang 11%. Bakit nga ba napakalaki ng lamang ni Bongbong Marcos? Ito ba ang unang pagkakataon na magkakaroon tayo ng president na makakakuha ng napakaking kalamangan sa boto?
Sa aming obserbasyon at pananaliksik, magkakaiba ng paraan na ginagamit ang mga kandidato. Si BBM ay nais magkaroon ng pagkakaisa or “unity”ang buong bansa. Si Robredo naman ay madalas paninira sa nangungunang kandidato ang ginagawa. Si Isko sa kabilang banda ay tumututok sa pagpapakita ng kanyang mga magagandang nagawa bilang alkalde ng Maynila. Sa kabila ng mga paninirang natatanggap ni BBM, bakit napakalaki pa rin kanyang agwat sa mga kalaban habang papalapit ang eleksyon?
Ayon aming mga nakausap, sawang sawa na ang mga tao sa pangako ng mga Liberal. Simula noong EDSA rebolusyon, walang nakitang malaking pagbabago ang bansa. Dalawang Aquino na presidente na ang umupo at isang heneral na rin na nagpasimula ng EDSA dos ang humawak sa ating bansa. Sa kabila ng mga ito, hindi pa rin naayos ang isyu sa Hacienda Luisita ng mga Aquino at Cojuangco. Hindi rin nila mapatunayan kung sino ang utak sa pagkamatay ni dating senador Ninoy Aquino, na siyang nagbigay alab sa rebolusyon ng EDSA. Hindi rin gumanda ang estado ng pamumuhay ng bawat Pilipino simula ng mawala sa kapangyarihan ang mga Marcos.
Dumako naman tayo sa mga pamamaraan ng pangangampanya na nakikita natin sa social media. Napakaliit lamang ng ginagastos sa pangangampanya ni BBM, ngunit siya pa rin ang nangunguna. Milyon milyon naman ang nilabas ni Leni upang tumaas ng rating at upang makilala sa social media. Subalit makikita natin na panay paninira ang ginagawa ng karamihan ng kanyang mga taga-suporta. Ang direksyon na kanilang tinatahak ay sirain ang imahe ni BBM at iba pang mga kalaban sa kampanya. Kung ang survey ang pagbabasehan, hindi ito gumagana. Lalo lamang nakikilala si BBM. Lumalaki ang simpatya ng tao sa kaniya na siyang dumadagdag sa boto ng kanyang mga loyalista.
Kadalasan na mga naririnig natin ay hindi edukado at hindi nakapagtapos sa Oxford University si Bongbong Marcos. Ini-uugnay din nila ang pagiging masamang tao, sa pagboto sa mga Marcos. Inuungkat nila ang kurapsyon na ikinaso sa mga Marcos. Wala rin daw plataporma sila BBM. Nakikita din natin ang “Cancel Culture” na kanilang ginawa kung hindi ka boboto sa kandidato na kanilang sinusuportahan. Marami pa sila binabatong mga negatibong panangampanya kay Presidentiable BBM, ang nangungunang kandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas.
Hindi ba nila alam na malaking bilang ng mga botante ay hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral? Ang pamamahiya na kanilang ginagawa kontra BBM ay nagdudulot ng sama ng loob sa mga mamamayang hindi rin natapos ang pag-aaral dahil sa maraming kadahilanan gaya na lamang ng kahirapan, kakulangan ng paaralan, at pangangailangang tulungan ang kanilang pamilya at magulang upang mabuhay.
Ang isyu ng kawalan ng plataporma at korapsyon na ibinabato nila kay BBM ay hindi din makakaapekto sa mga loyalista at botante. Pinipilit nila ang mga tao na suportahan ang kandidato nila, at sa mga kadahilanang ito, dapat si Leni, Isko or ibang pang kandidato ang iboto. Kung hindi ka susunod sa kanilang adhikain, isa kang mangmang at masamang tao. Ito ay mali! Matatalino ang Pilipino. Sadya lamang na kalkulado na nila ang mga salik na ito. Kahit pa sabihin natin, may katotohanan ang lahat ng ito, hindi naisip ng mga naninira kay BBM na siya pa din ang pipiliin at iboboto nila. Hindi nila naisip na ang mentalidad ng taong naninira kay BBM ang nagiging sanhi ng paglobo ng kanyang kalamangan. Hindi nila naisip ang mga argumento nila at mga paninira ay kasama na sa pinagbabasehan ng mga tao sa kanilang desisyon sa pagboto. Matatalino na ang mga Pilipino.
Sawang sawa na ang Pilipino sa pang-aapi. Sawang sawa na ang Pilipino sa mga makapangyarihang tao na nagdidikta sa kanilang pamumuhay. Sawang sawa na ang ating mamamayan na tawagin silang tanga, bobo, at masamang tao kung hindi susundin ang gusto ng mga elitista at mga taong nakaka-taas ang antas sa buhay. Hindi magandang tingnan na kailangan i-“cancel” sa buhay ang isang normal na mamamayan dahil lamang sa ibang pananaw niya sa buhay at pulitika. Dito lamang sa panahon ng eleksyon nagkakaroon ng kapangyarihan ang mahihirap at normal na mamayan na mamili ng kanilang ihahalal. Dito lamang nila mararanasan na pantay-pantay lang sila ng karapatan ng mga mayayaman at elitista. Sawa na sila sa pang-aapi, sawa na sila ma-“cancel”na araw-araw nilang nararanasan at nararamdaman dahil sa estado ng kanila buhay. Marami ang nagsasabi na ang rebolusyon ng EDSA noong 1986 ay desisyon laman ng “Imperial Manila” kung saan hindi nakilahok ang karamihan ng mga lalawigan ng Pilipinas. Marahil, sa pagtangkilik sa kandidatura ni BBM, nais nilang ibalik ang pinunong kanilang totoong gusto at minamahal.
Ito ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit si Bongbong Marcos ang magiging susunod na president ng ating bansa.