Balajadia Balajadia

Balajadia, wagi sa ROTC Games

251 Views

ILOILO City – Malapit na makumpleto ng Batang Pinoy at Palarong Pambansa multi-medallist na si Nathaniel Balajadia ang pagkumpleto sa sirkulo sa pagpapakita ng kanyang kahusayan sa

larong arnis matapos ibigay ang gintong medalya para sa Philippine Air Force sa ginaganap na Philippine Reserve Officers Training Corps Games (PRG) sa Iloilo City.

Ang 20-anyos na 2nd year Physical Education student ng West Visayas State University-Main ay idinagdag sa mga koleksiyon ang gintong medalya sa Men’s Non-Traditional Single Weapon ng kompetisyon sa pambansang sports na Arnis upang makisalo sa kasaysayan ng natatanging torneo para sa mga kadeteng atleta.

Ang two-time Palarong Pambansa champion noong 2015 sa Davao at 2016 sa Bicol at tinanghal din na 2017 Batang Pinoy multi-neddallists noong 2017 sa Baguio ay lubhang ikinatuwa ang pagsasagawa ng torneo na nagbukas dito ng pagkakataon na muling makalahok sa kompetisyon ng arnis.

“Wala na po kasing masyadong arnis national tournament pagdating sa college except po kapag Philippine National Games. Ito lang po pagkakataon ko na makasali uli,” sabi ni Balajadia, na 7 taon pa lamang noong matuto humawak ng stick at sumabak sa mga troneo noong 13-anyos.

Ang Arnis ay isinasagawa sa kada dalawang taong Southeast Asian Games na asam maabot ni Balajadia. Hindi naman ito kasali sa Asian GAmes at Olympics.

Nakatakda pa sumabak si Balajadia, na siyang namuno sa mga cadet athletes sa Oath of Sportsmanship sa ROTC Games opening ceremony sa combat competition o full contact na isinasagawa sa SM City Iloilo.

Nagwagi naman isa Philippine Army si Marcel John Judicpa ng University of Iloilo-Phinma para sa gintong medalya. Pumalangawa si John Mike Frial ng Capiz State University para sa pilak at pangalto si Meg Ryan Gutierrez ng Cebu Technological University para sa tanso.

Sumunod kay Balajadia sa Philippine Air Force division sina Lenar John Avance ng West Visayas State University-Lambunao para sa pilak at pangatlo si Renato Aguado Jr ng West Visayas State University-Calinog sa tanso.

Napunta ang ginto para sa Philippine Navy kay RJ Christales Mahinay ng University of Visayas at pilak kay Christon Inting ng Bohol Islands State University.

Kinolekta naman ni Roperly Mae Bangero ng Iloilo State University of Fisheries and Science and Technology ang ginto sa Women’s Non-Traditional Single Weapon sa Philippine Army category.

Pumangalawa si Lexa Villasan ng Northern Negros State College of Science and Technology para sa pilak at si May Flor Castor ng Iloilo State University of Fisheries and Science and Technology ang nag-uwi ng tanso.

Napagwagian ni Jazell Joan Agacia ng West Visayas State University-Janiuay ang ginto habang pilak naman kay Mae Ann Cerna ng 527th DAST para sa Philippine Air Force.

Ang Philippine Navy ay napanalunan ni Kyla Omega Dela Torre ng Capiz State University para sa gintong medalya habang ang pilak ay iniuwi ni Aya Faith Gonzaga ng University of Antique.

Pangalto para sa tanso si Michelle Tumamak ng Cebu Technological University.

Nagwagi naman sa flyweight si Daniel Panes sa Referee Stopped Contest (RSC) sa Round 1 sa kapwa Philippine Army cadet na si Romeo Calupos sa unang laban sa boxing competition sa Robinson’s Jaro.

Umusad din sa Bantamweight si Christian Moses via walk-over kay Kent Eugene Adrias habang si Alfred Deslate ay winner on points kay Edramel Mangubat, 4-1.

Nanalo din si Jenel Castilla sa Philippine Air Force category kay Jhay-R Cadulong sa puntos, 4-1.

Samantala’y isinasagawa din ang kampeonato para sa Kickboxing habang magsisimula ngayon ang kompetisyon sa 3×3 basketball sa University of San Agustin na pinaggaganapan din ng semifinals sa volleyball.