Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Nation
Balik-PH na 17 Pinoys na na-hostage sa Yemen
Jun I Legaspi
Jan 24, 2025
97
Views
NAKABALIK na sa bansa ang 17 Filipino crew members ng M/V Galaxy Leader na hinostage ng mahigit isang taon sa Yemen.
Dumating ang mga seafarers sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City at sinalubong ng mga opisyal gobyerno.
Lulan ang 17 Pinoy ng Oman Air 843 na lumapag sa paliparan bandang alas-9:31 ng gabi nitong Huwebes.
Ang agarang repatriation at pagbibigay ng komprehensibong tulong at suporta sa mga Filipino seafarers direktiba mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nanguna sa pagsalubong sa mga seafarers sina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Transportation Secretary Jaime Bautista at iba pang mga opisyal ng gobyerno.
Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025