balisacan

Balisacan kumpiyansa makakamit 6.5- 7.5% full-year GDP growth rate

Chona Yu Jan 26, 2024
181 Views

KUMPIYANSA si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na makakamit ang 6.5 hanggang 7.5 porsyentong full-year GDP growth rate ngayong 2024.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Balisacan na kapag nagawa ito ng pamahalaan, tiyak na makalilikha ng maraming economic opportunities, tataas ang employment pati na ang per capita incomes.

Higit sa lahat, sinabi ni Balisacan na lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas at magiging “upper-middle-income-country” pagsapit ng taong 2025.

Sabi ni Balisacan, masusuportahan ito sa pamamagitan ng mababa at manageable na inflation, pagbibigay ng mas maayos na kwalidad na trabaho, malakas na fiscal position, mababang deficit at utang at iba pa.

Ibinida pa ni Balisacan na naging maganda ang performance ng ekonomiya ng bansa noong 2023 sa kabila ng mga kinaharap na hamon.

Tiwala si Balisacan na mahihigitan pa ito ngayon sa kabila ng mga hammon gaya ng global crisis, gulo sa ibang bansa, El Nino at iba pa.

“The Marcos administration remains steadfast in carrying out its transformation agenda as we expedite the approval of game-changing projects and ensure that all of the government’s programs and policies support our unified pursuit of a Bagong Pilipinas,” pahayag ni Balisacan.