Balota

Balota pinasigla ang local film industry

Ian F Fariñas Oct 29, 2024
55 Views

Patungo na sa ikatlong linggo ang pagpapalabas ng “Balota” ni Marian Rivera under GMA Pictures at GMA Entertainment Group pero matibay pa rin itong umaariba sa takilya.

Marami pa rin kasi ang pumipila para mapanood ang obra ni Direk Kip Oebanda kung saan kabi-kabila rin ang sold-out screenings.

Nakakatuwa na maraming guro at mag-aaral ang sumusugod sa mga sinehan upang mapanood ang “Balota” at nagiging topic pa ito sa mga discussion sa klase. Marami kasing matututunan sa pelikula tungkol sa demokrasya at eleksyon.

Bukod dito, marami ring grupo ng guro ang nagsasabing sa pamamagitan ng pelikula ay nabibigyang-pansin ang sakripisyo nila tuwing eleksyon. Isa rin itong paalala kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga guro mapangalagaan lang ang ating mga boto.

Pero isa sa mga pinakamagandang nagawa ng “Balota” ay pasiglahin pang lalo ang local film industry na hirap pa ring makipagsabayan sa Hollywood films.