Calendar
Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino
Bam Aquino: Higpitan age restrictions sa video games, ‘wag blanket ban
IGINIIT ni Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino na dapat higpitan ang age restrictions sa mature-rated video games sa halip na magpatupad ng blanket ban.
Ayon kay Aquino, mas dapat tutukan ang mga patakarang pipigil sa mga bata na maka-access ng content na hindi angkop sa kanilang edad.
Mas makabubuting higpitan ang access rules, palakasin ang paggabay ng mga magulang, gawing mas ligtas ang online platforms at dagdagan ang school security measures kaysa ipagbawal ang video games sa kabuuan, ayon sa senador.
Lalong umigting ang usapin matapos ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City at ang napaulat na shooting threat na naging dahilan ng pagsuspinde ng klase at on-site activities sa Batangas City Integrated High School.
“Mas maraming studies na ginawa na nagsasabing walang correlation between video games and school shooting,” ani Aquino.
Ginawa ni Aquino ang pahayag matapos sabihin ng Malacañang na bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga panukalang maghihigpit o magbabawal sa violent online games dahil sa pangamba sa posibleng impluwensiya nito sa mga menor de edad.
Lalong lumakas ang debate matapos ang Tacloban shooting kung saan tatlong estudyante ang nasawi at 20 ang nasugatan.
Pansamantala ring hinarang ng pamahalaan ang access sa larong GoreBox matapos lumabas na madalas umanong naglalaro nito ang isa sa mga suspek, bagama’t hindi pa itinatakda ng mga awtoridad na ang laro ang sanhi ng pamamaril.
Ayon kay Aquino, dapat pag-ibahin ng pamahalaan ang mga larong pambata at ang mga larong para sa mature audiences.
Kailangang maging mas aktibo ang mga magulang sa pagsubaybay sa mga larong nilalaro ng kanilang mga anak at tiyaking angkop ito sa kanilang edad.
“Dahil pang-bata iyan, iyong developers mayroon silang responsibility na ma-monitor, ma-check at ma-ban iyong mga predators o iyong mga tao doon na may masasamang balak,” ani Aquino.
Sinabi ni Aquino na isinusulong niya ang pagpasa ng kanyang School Safety Act upang maprotektahan ang mga estudyante, guro at iba pang school personnel.
Kabilang sa kanyang mga paunang panukala ang paglalagay ng mas maraming CCTV cameras, dagdag na barangay tanod at security personnel, at regular na Parent-Teacher Association meetings upang pag-usapan ang
