Tulfo2

Banat kay Rep. Erwin Tulfo di umubra: Lalo pang namayagpag sa survey

26 Views

TILA hindi umubra ang kaliwa’t kanang pagbatikos kay leading senatorial candidate na si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, matapos lumabas ang pinakahuling survey ng Oculum Research and Analytics sa fourth quarter ng 2024 na nagpapakita na siya pa rin ang malayong nangunguna laban sa mga katunggali sa darating na senatorial elections sa Mayo.

Sa survey na isinagawa nitong Disyembre 16-22, 2024, lumalqbas na pito sa bawat 10 Filipino ang boboto kay Erwin Tulfo matapps itong magtala ng 70.8% sa mga na survey na Filipino adults na nagsabi na siya ang iboboto sa darating na May mid-term elections.

Nasa malayong pangalawa lamang at pangatlong pwesto sina dating Senator Tito Sotto (52.3%) at Ben Tulfo (50. 1%)

Nasa ika-tatlo hanggang limang pwesto naman si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. (49.2%) habang apat hanggang ika-pitong pwesto naman si Sen. Pia Cayetano (46.9%).

Nakatanggap naman si dating Sen. Manny Pacquiao ng 46.3% para sa ika-apat hanggang walong pwesto at ika-lima hanggang walong pwesto naman si Sen. Bong Go (44.4%).

Ika-anim hanggang walong pwesto naman si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na may 43.8% voting preference.

Makati City Mayor Abby Binay (40.3%) nasa ika-siyam hanggang 11th place na sinundan nina Sen. Panfilo “Ping” Lacson (39.2%) at Las Piñas City Rep. Camille Villar (37.5%) na tabla sa ika-siyam hanggang 12 pwesto.

Ang television host na si Willie Revillame (36.2%) ay naysa ika-10 hanggang 12 na pwesto.

Humabol naman sa magic 12 si Sen. Imee Marcos (33.3%) na nasa ika-12 hanggang 14 spot, at former Sen. Lito Lapid (31.1%) na nasa 13th hanggang 15th spot.

Ang naturang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face methodology sa 1, 200 adult respondents.

Giit naman ng ilang mga netizen iboboto pa rin nila si Erwin Tulfo kahit na binabatikos ito ng ilang grupo.

“Alam naman natin na tuwing eleksyon ganyan ang kalakaran, kung ano-ano ang lumalabas sa nangununang kandito. Pero karamihan naman walang basehan,” pahayag ng isang netizen.

“Nakita naman natin ang mga nagawa ng mga Tulfo sa ating bansa, kaya siya (Erwin Tulfo) ang iboboto ng mga pinoy,” komento naman ng isa pang netizen.