Calendar
Banta ng bomba sa NU Lipa, iniimbestigahan ng pulisya



LIPA CITY, Batangas — Iniimbestigahan na ng Lipa City Police Station (CCPS) kasama ang Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) ang banta ng pagpapasabog na ipinadala sa freedom wall ng National University (NU) Lipa sa Bgy. Maramoy noong Linggo ng gabi, Agosto 16.
Ayon sa opisyal na ulat ng pulisya, nakatanggap ng abiso ang security officer ng paaralan na kinilalang si alyas Jun, 42 anyos, mula sa School Academic Director bandang 6:47 ng gabi ukol sa isang komento na inilabas ng Facebook account na may pangalang “Doc Coca”.
Naglalaman ang naturang post sa NU Lipa Freedom Wall ng lantarang banta na sinasabing: “King ina n’yo, bobombahin ko school n’yo. Huwag n’yo nang isipin na pumasok; uubusin ko kayo.”
Agad na umaksyon ang mga awtoridad at ipinatupad ang mga sumusunod na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng buong pamayanan ng paaralan.

