Calendar
Banta ni Duterte, walang epekto sa ekonomiya
WALANG epekto sa ekonomiya ang ingay sa pulitika sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na matibay na nakalatag ang mga economic policies ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Naka-focus aniya ang economic managers ng Pangulo na makamit ang target na itinakda sa Philippine Development Plan 2023-2028.
“I don’t think these political noises would have any impact on the economy. What is important is that our economic policies, our economic policy directions are sound and sustained,” pahayag ni Balisacan.
“In fact, that has been the case for the Philippines since late 1990s, that the economy continued to progress despite the political noises simply because the economic policies and our directions have been broadly sustained,” dagdag ni Balisacan.
Sa panig ni Trade and Inddustry Secretary Maria Cristina Roque, sinabi nito na nanatiling mataan ang confidence level ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
“A lot of investors are coming and we are pursuing those investments. They haven’t mentioned anything about these things that are happening,” pahayag ni Roque.
Una rito, pinagbantaan ni Vice President Sara Duterte na ipapatay sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.