Adiong Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong

Banta ni Sara kay PBBM, FL, Speaker banta rin sa bansa

80 Views

NANAWAGAN ang isang lider ng Kamara de Representantes ng mas matinding proteksyon kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos ang nakakaalarmang pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na sila ay ipapapatay.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, hindi maaaring ipagwalang-bahala ang pagbabanta ni Duterte sa mga lider ng bansa.

“Ang Pangulo at ang Speaker ay mahalagang haligi ng ating demokrasya. Anumang banta laban sa kanila ay banta rin sa seguridad ng ating bansa. It is imperative that we ensure their safety at all costs,” ani Adiong.

Sa isang press conference, inihayag ni Duterte na mayroon itong kinausap upang patayin ang Pangulo, ang First Lady at ang Speaker kapag siya ay mamatay.

“This rhetoric is deeply irresponsible and deeply troubling. We do not want these kind of threats be directed against anyone, not to the sitting President, the Speaker or even to the Vice President herself. Instead of fostering unity, it incites fear and division, creates an atmosphere of insecurity among the top echelon of our government and promotes a culture of violence which is diametrically opposed to the core of our democratic system of governance. We must take these threats seriously and provide heightened security for the President, the First Lady, and the Speaker,” sabi ni Adiong.

Iginiit ni Adiong ang kahalagahan na mabigyan ng angkop na proteksyon ang mga lider ng bansa na magpapataas din sa integridad ng gobyerno.

“Ang ganitong klase ng pananalita mula sa isang mataas na opisyal ay hindi dapat binabalewala,” sabi ni Adiong. “The safety of our leaders is paramount to maintaining the trust and confidence of the people in our democratic institutions.”

Nanawagan din si Adiong kay Duterte na bawiin ang pagbabanta nito at linawin ang kanyang intensyon.

“Kung may mga isyung kailangang harapin, dapat itong sagutin nang maayos at direkta. Threats have no place in governance, especially against our top leaders,” wika pa ni Adiong.

“We must send a clear message: threats against our leaders will not be tolerated. Ang proteksyon ng ating Pangulo at Speaker ay proteksyon din ng ating bayan,” dagdag pa ni Adiong.