Hosaka

Bar exam tuloy—SC

175 Views

Matutuloy umano ang 2022 Bar examinations ngayong buwan, ayon sa Supreme Court.

Ayon kay SC spokesperson Brian Hosaka matutuloy ang pagsusulit na nakatakda sa Nobyembre 9, 13, 16, at 20.

Sinabi ni Hosaka na walang natanggap na ulat ang SC na mayroong naapektuhan sa 14 na testing center.

Sa 10,075 na nag-apply na kumuha ng bar examination, 9,916 umano ang tutuloy. Mayroon umanong mga nag-withdraw ng aplikasyon.