Marianito Augustin

Barangay at Sangguniang Kabataan Elections umarangakada na!

443 Views

UMARANGAKADA na nga ang Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) at marami sa ating mga kakilala ang sumubok makipag-sapalaran sa paglilingkod sa kani-kanilang Barangay. Ang ilan sa mga kakilala ko ay mga kaibigan ko mo mismo na kasamahan ko sa paglilingkod sa Simbahan.

BROTHER ERIC OLAGUER:

Si Bro. Eric Olaguer na tinatawag namin Kuya Eric ay dating Coordinator ng aming grupo na Eucharistic Ministers of the Holy Communion (EMHC) sa Santo Domingo Church at kasalukuyan siyang tumatakbong Kagawad sa Barangay Tatalon kasama niya si Bro. Nomer Paez na isang rin Lay Minister gaya namin.

Hindi na ako nagtaka at nagulat nang sabihin ni Kuya Eric na siya ay tatakbong Kagawad sa kanilang Barangay. Sapagkat matagal ko ng kakilala si Kuya Eric at nakita ko sa taong ito ang malasakit at pagmamahal niya sa mga taong nangangailan lalong lalo duon sa mga mahihirap sa kanilang lugar.

Minsan nga, isusubo na lamang niya ay ibibigay pa niya duon sa taong mayroong mahigpit na pangangailangan. Ang tinutukoy ko ay isang pangyayari na habang kami ay kumakain ng tanghalian ay ibinigay niya ang kaniyang pagkain duon sa taong namamalimos at sa anak na karay-karay nito.

Ako mismo ay personal na saksi sa kabutihang loob ng aking kaibigan. Sapagkat noong mga panahong naghikahos ako sa buhay dahil wala akong trabaho noong 2016. Si Kuya Eric lanang naman ang tumulong sa akin para makatawid kami sa krisis na pinagdadaanan ng aking pamilya.

Kaya kong sabihin na hindi “plastic” na tao si Kuya Eric. Kung ano siya na kaharap niyo ngayon. Siya iyan anoman ang mangyari. Hindi katulad ng ibang mga kandidato diyan na ‘OROCAN” na saksakin ng plastic at mapag-balatkayo. Mabait lang sila ngayon pero paghkatapos ng eleksiyon, lalabas din ang tunay na kulay nila.

Hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay Kuya Eric Olaguer. Siya ay totoong tao sapagkat wala siyang pagkukunwari. Kaya kung mayroon man karapat-dapat na maglingkod sa Barangay Tatalon. Si Kuya Eric Olaguer na iyan, maasahan niyo siya at siya ay totoong tao. Tunay na maglilingkod sa inyo.

Good Luck Kuya Eric Olaguer!

BRO. JERICO AGUINALDO:

Itong aking matalik na kaibigan at kababata na si Jerico “Jerry” Aguinaldo ay isa rin sa mga maaasahan na kasalukuyang kumakandidatong Kagawad sa aming lugar sa Barangay Del Monte. Ang kaniyang pamilya at ang pamilya ko matagal ng magka-ibigan kumbaga family friend.

Talahib pa lamang ang nakatubo diyan sa Barangay Del Monte ay mag-kaibigan na ang aming mga pamilya. Ang yumao niyang Ama na si Mang Nestor Aguinaldo at ang Tatay ko (Mariano Vega Rodriguez) ay matalik din mag-kaibigan. Kaya kilalang-kilala ko ang pamilya Aguinaldo.

Ang isa sa mga pamilyang iginagalang sa aming lugar ay ang pamilya Aguinaldo. Kumpare ko pala siya at ang kaniyang kapatid na si Nes Aguinaldo kaya naka-ugat na talaga ang aming pagiging mag-kaibigan. Kaya kilala ko siya pagdating sa paglilingkod sa mga tao lalo na sa mga nangangailangan.

Si pareng Jerry din ang aming pinuno sa Knights of Columbus (KC) diyan sa Santo Domingo Chapter kaya hindi na ako magtataka at magugulat kung nais niyang maglingkod sa aming Barangay dahil talagang nasa puso niya ang serbisyo at pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan.

Ako na ang magsasabi na mabuting tao ang kumpareng Jerry ko. Hindi ka magda-dalawang salita kapag siya ay iyong nilapitan. Nasaksihan ko rin kung gaano kalapit ang puso ni pareng Jerry sa mga taong nangangailangan. Dahil kahit anong mangyari ay hindi ka niya iiwan at pababayaan.

Kung gaano kahusay at kagaling ang naging paglilingkod niya sa KC Santo Domingo Chapter. Naniniwala ako ganito rin ang kaniyang magiging paglilingkod bilang Kagawad sa aming Barangay. Wag tayong tumingin sa kinang ng pera. Ang tignan natin ay ang laman ng puso ng isang kandidato.

Si pareng Jerry Aguinaldo ang kandidato na may QUALITY. Good Luck pareng Jerry!