Barbers

Barbers: 19th Congress sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin G. Romualdez mas lalong magiging prolific

Mar Rodriguez Jun 11, 2023
421 Views

BINIGYANG diin ng isang Mindanao congressman na patuloy na magiging “prolific” o mabunga at aktibo ang 19th Congress sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa pamamagitan ng pagba-balangkas ng mga mahahalagang panukalang batas.

Sinabi ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace S. Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na napatunayan na ni Speaker Romualdez ang kalidad ng kaniyang pamumuno dahil sa mataas ng output ng Kongreso sa pagkakapasa ng mga panukalang batas sa 1st Regular Session.

Iginiit ni Barbers na parehong may quality at quantity ang mga panukalang batas na naipasa nitong 1st Regular Session ng Kongreso sapagkat 33 mula sa 42 priority bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang naipasa na nakalista naman sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“The measures the House approved during the First Regular Session have both quality and quantity. Quality, because the chamber passed 33 out of the 42 priority bills of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. as listed by the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC),” ayon kay Barbers.

Idinagdag pa ng kongresista na may quantity ang liderato ni Speaker Romualdez sapagkat nakakapag-pasa ang Mababang Kapulungan ng 30 panukalang batas kada session nito. Kung saan, napakataas ng performance ng kasalukuyang 19th Congress kumpara sa mga nakalipas ng liderato ng Kamara.

Dahil dito, tiniyak din ni Barbers na ipagpapatuloy ng Kamara de Representantes ang tungkulin nito sa ilalim ng 19th Congress dahil alam aniya mismo ni Speaker Romualdez na napakahalaga ng oras at panahon kaya wala umanong sasayanging oras ang Kongreso sa pagganap ng tungkulin nito.

“The House will continue to perform at this pace for the rest of the 19th Congress. Speaker Romualdez knows that time is of the essence, that’s why he can easily tune out from all the political noise. We will follow his lead,” sabi pa ni Barbers.

Ayon pa kay Barbers, 577 panukalang batas ang naipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa third and final reading sa loob lamang ng sampung buwang session nito sa ilalim ng First Regular Session nito.