Calendar
Barbers binansagan bilang makabagong Makapili backers ng mga operators ng POGO sa PH
𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗸𝗮𝘆 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗲 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗔𝗰𝗲 ‘𝗔𝗹𝗮𝘀” 𝗦. 𝗕𝗮𝗿𝗯𝗲𝗿𝘀 n𝗮a𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝗽 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 “𝗠𝗮𝗸𝗮𝗽𝗶𝗹𝗶” 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶𝗻𝗴 “𝗽𝗮𝗱𝗿𝗶𝗻𝗼” 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀𝗲 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴-𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗳𝗳𝘀𝗵𝗼𝗿𝗲 𝗚𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗣𝗢𝗚𝗢) 𝗵𝘂𝗯𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.
Nauna ng iginiit ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco na dapat nitong ilantad sa publiko ang pangalan ng mga malalaki at ma-impluwensiyang tao na nagsisilbing “backer” o nagbibigay proteksiyon sa mga Chinese nationals na nag-ooperate ng mga illegal POGO hubs sa bansa.
Binigyang diin ni Barbers na dapat papanagutin o maging “accountable” ang di-umano’y ex-Cabinet official kabilang na dito ang mga padrino ng mga illegal POGO hubs sapagkat sila ang nagsilbing “enabler” o naging dahilan upang lumaganap ang illegal na operasyon ng POGO.
Ayon kay Barbers, hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga Chinese nationals na mag-operate ng illegal POGO hubs sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas kung walang buma-backup o pumapadrino sa kanilang ex-Cabinet official at mga malalaking tao.
Pagdidiin pa ni Barbers, maituturing na krimen na may karampatang kaparusahan sa batas ang ginawa ng ex-Cabinet official dahil siya pa mismo ang nag-lobby sa PAGCOR para mabigyan ng accreditation ang mga illegal POGO hubs.
“If ang intervention of this so-called ex-Cabinet official is to accredit illegal POGO operations. Then it becomes now a crime. It now becomes a bis question mark. We should make him or them accountable,” wika ni Barbers.
Dahil dito, binansagan ng kongresista ang mga taong tumulong para makapag-operate ang mga illegal POGO hubs bilang mga makabagong “Makapili” sapagkat mistulang ipinagkanulo nila ang kanilang sariling bansa sa mga dayuhang Intsik.
“Because enabler sila. We can call them now the makabagong Makapili. Enabler sila na makapag-operate ang mga illegal POGO sa Pilipinas. Considering that these Chinese nationals brought along several criminals that perhaps all the syndicates are all here,” dagdag pa ni Barbers.