Barbers1

Barbers nagigimbal sa presensiya ng Chinese nat’ls sa PH

Mar Rodriguez Apr 18, 2024
164 Views

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang tinaguriang “Alas ng Mindanao” na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers patungkol sa mga hindi maipaliwanag at nakagigimbal na ulat kaugnay sa presensiya ng Chinese nationals sa Pilipinas bilang mga turista, manggagawa at mga estudyante.

Ayon kay Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, sa mga isinagawang pagdinig sa Kamara de Representantes binusisi na rin niya sa Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensiya ng gobyerno kung bakit dumarami ang presensiya ng mga Chinese national sa Pilipinas.

Sinabi ni Barbers na ang kaniyang pagbusisi sa mga nasabing ahensiya ng gobyerno ay kasunod ng kaniyang pagkakadiskubre na maraming Chinese nationals ang nakakakuha ng Filipino birth certificates, driver’s license, UMID cards, Philippine passport at maging membership sa Philippine Coast Guard (PCG).

Dahil sa pangyayaring ito, binigyang diin ng kongresista na siguradong unti-unting nilalamon ng korapsiyon ang Pilipinas kung pinapayagan ng mga nasabing ahensiya ng pamahalaan ang mga Chinese nationals na bumili ng lupa at ari-arian. Kabilang na ang pag-eenroll sa mga unibersidad.

“The only sure thing right now is that corruption at its worst has eaten up. This is the only logical explanation. If these Chinese nationals can get all these accreditations and buy our agricultural and private lands, acquire and lease properties and other assets. We are drafting our epitaph as nation,” sabi ni Barbers.

“How can foreigners, not individually, but in groups illegally obtain documents otherwise exclusive reserved for Filipinos. Without the connivance of Filipinos. This is a creeping invasion of China,” ayon pa kay Barbers.