Calendar

Barbers nanawagan na pangalanan ex-Cabinet official na nagsilbing “padrino” ng POGO
๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ฎ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ๐ผ๐๐ ๐๐ฟ๐๐ด๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฆ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ผ ๐ฑ๐ฒ๐น ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ฐ๐ฒ “๐๐น๐ฎ๐” ๐ฆ. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป na ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐บ๐๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฟ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐ฃ๐๐๐๐ข๐ฅ) ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ (๐ฃ๐ข๐๐ข).
Binigyang diin ni Barbers na napakahalagang mahubaran ng maskara at malantad sa publiko ang pagkakakilanlan ng nasabing ex-Cabinet official dahil ang pag-aakto nitong “padrino” para sa POGO ay isang seryosong bagay na maituturing na pagta-traydor sa bayan sapagkat mistulang pinaboran pa nito ang mga Intsik.
Ayon kay Barbers, hindi dapat ipagkibit-balikat ng pamahalaan ang ginawang pagkilos ng dating Cabinet official para paboran ang POGO sapagkat hindi nito isinaalang-alang ang kapakanan at seguridad ng bansa.
Para kay Barbers, dapat lamang na magsagawa ng isang malalim na imbestigasyon ang Kamara de Representantes patungkol sa naturang kontrobersiya.
Pagdidiin pa ng kongresista, napaka-importante din na mabusisi ng husto kung sino-sino pang mga government officials ang lumagda sa mga dokumento na nagbibigay ng pahintulot o permiso para makapag-patayo ng mga building ang mga operators ng POGO.
Sabi ng mambabatas, kailangan tignan din sa ikakasang imbestigasyon ng Mababang Kapulunhan kung legal o illegal ang mga papeles ng mga empleyadong Intsik na nagtrabaho sa POGO sapagkat may mga nakalap silang impormasyon na walang sapat na papel ang mga Chinese na empleyado ng POGO.
“Para sa akin, dapat na talagang pangalanan itong ex-Cabinet official na ito dahil ang ginawa niya ay malinaw na pagtataksil sa bayan. Sapagkat mas inuna pa niya ang interes at kapakanan ng mga dayuhan kesa sa sarili niyang mga kababayan. Kaya kung ako ang tatanungin, kailangan siyang maimbestigahan,” wika ni Barbers.