Barbers

Barbers pinuna mga reklamo tungkol sa nat’l ID

Mar Rodriguez Mar 13, 2024
119 Views

PINUNA ni Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace “Alas” S. Barbers ang “usad pagong” na pagpapalabas ng Philippine Identification System (PhilSys) o national ID. Bukod pa ang reklamo naman ng publiko na hindi ito tinatanggap bilang “valid proof of identification”.

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na bukod sa napaka-bagal na pagre-release ng national ID. Ang pagiging “imbalido” o walang pakinabang nito ang isa sa mga inirereklamo ng publiko, dahil hindi nila ito maggamit sa kanilang mga transaksiyon.

Ayon kay Barbers, isa sa main authors ng Republic Act No. 1105 o ang PhilSys, halos anim (6) na taon na ang nakakalipas mula ng maisabatas ang PhilSys. Subalit iilan pa lamang sa libo-libong aplikante ang nakakatanggap ng kanilang national ID bunsod ng usad pagong na preso ng releasing nito.

“It’s been almost six years since the National ID was enacted into law and I was one of those lawmakers who first filled in the PSA forms to have one. I’ve all but given up on waiting for my national ID. Parang nakalimutan na yata. Sa dami ng nag-apply, iilan pa lamang ang nakakatanggap,” paliwanag ni Barbers.

Bukod dito, binigyang diin pa ng kongresista na dagsa narin ang reklamo ng mga mamamayan patungkol sa kanilang national ID na hindi itinuturing na “valid ID” o hindi tinatanggap bilang “proof of identity” kung kaya’t nababalewala lamang ang kanilang mga transaksiyon.

“Without a specimen signature on it, the Philippine National ID has apparently been rendered useless as a proof of identity for its owner because it does not bear the holder’s signature. With the absence of that signature, we cannot blame those who require more valid forms of identification,” sabi pa ni Barbers.

Dahil sa mga problemang ito, hinihiling ni Barbers sa Philippine Statistics Authority (PSA) na maglabas ng kabuuang bilang ng actual registration ng mga mamamayan ang bilang ng mga nakatanggap na ng kanilang national ID.