Calendar
Barbie ‘di pa handang magmahal muli
Matapos ang breakup kay Jak Roberto na nakarelasyon niya for seven long years, hindi pa ready si Barbie Forteza na magmahal muli.
Sa katatapos na 38th Star Awards for Television ay nakausap ng ilang press ang aktres at dito ay natanong siya kung ready na ba siya for a new relationship.
Ayon kay Barbie, sa ngayon ay sarili muna niya ang kanyang mamahalin.
“Well, I’m so, so happy to be in a relationship with myself right now. I’m getting to know myself more and I love that about me,” sey niya.
Dagdag pa niya, “Parang ngayon ko lang nadi-discover ang mga bagong bagay tungkol sa akin.”
Nadiskubre nga raw niyang kaya pala niyang tumakbo at gumising nang maaga.
“Kaya ko palang tumakbo, kaya ko palang maging morning person,” sambit niya.
Madalas i-post ng aktres sa Instagram ang kanyang morning run na ginagawa at one time nga ay nakasama pa niya si Alden Richards sa pagtakbo na ipinost din niya.
Sey ni Barbie, hindi siya morning person dati at wala rin siyang exercise before.
“So ‘yun, I’m falling in love with myself every day,” aniya.
Samantala, dumalo si Barbie sa 38th PMPC Star Awards for TV dahil tumanggap sila ng ka-loveteam na si David Licauco ng German Moreno Power Tandem award.